Pinoy Rap Underground
Magandang araw sa inyo at maligayang pag-dalo dito sa Pinoy Rap Underground.
Maaari kayong tumingin tingin dito ngunit kakailanganin ninyong mag-register at mag-login upang makibahagi sa komunidad na ito.

-Administrator

Papew - M.i.A. Part II

Post new topic   Reply to topic

View previous topic View next topic Go down

Papew - M.i.A. Part II

Post by papew on Mon 22 Jun 2009, 22:41



[ M.i.A. Part II ]

[ Verse 1 ]

mahal kita di ko na kailangan ng iba
tanging ikaw ikaw lamang at wala ng iba
ang ating pag-iibigan na di kayang magiba
parang hindi namamatay na apoy sa siga

at di ko mapapayagan satin may humadlang
at kahit na walang baluti at nakahubad lang
ay ipagtatanggol kita sa tikbalang at aswang
halika at tayo'y maglakad doon sa pangpang

habang magkahawak ang ating mga kamay
sa valentines doon naman tayo sa bansang brunei
at kapag tayo magkasama parang oras nahinto
ligaya pag kasama ka / ay parang ginto

at sa aking karamdaman ikaw lang ang tanging lunas
luha na papatak sayo ako ang magpupunas
ako'y iyong anghel gabay mo sa lahat ng oras
pag-ibig ko sayo kailanman ay hindi kukupas

[ Chorus ]

ika'y diwata ng aking buhay
ang nagbigay sakin ng kulay
pag-ibig ko sayo ay wagas
pangako na / ito ay walang wakas

[ Verse 2 ]

ikaw lamang ang pinangako ko na iibigin
handa ko na magpa alipin basta nasayong piling
at laging nasa tabi mo sa sandaling lilipas
at sayo ay nakagapos ako na parang posas

para kang rosas nakaka adik na titigan
pintig ng puso ko'y matulin at di mapigilan
hindi ka ba nabibingi sa kakasigaw?
ng puso ko kasi laging sambit nito ay ikaw

at kung ako'y kailangan ay darating na parang bala
mala flash elorde ang bilis makita lang tumawa
aking D-I- W- A- T- A
lahat ibibigay ipag shoshopping ka sa uk

ako ang bantay mo / parang security guard
kung ako ang pc / ikaw ang aking memory card
dahil hindi ako mabubuhay kapag wala ka
paulit-ulit na sasabihin parang sira na plaka

[ Verse 3 ]

ako'y panatag / kapag ikaw ang aking katabi
na parang unan na laging gustong kayakap sa gabi
dyosa / ng kagandahan kung ikaw ay ilarawan
ituring mo ang puso ko'y sayo at yong tahanan

tawanan kasiyahan sabay natin pagsaluhan
salamat at hindi mo / ako pinagdamutan
ng pansin / at pag-ibig mo sakin binigay
at sa puso ko kahit subukan mong lumakbay

tanging pangalan mo nakaukit at nakalagay
akin tong dala-dala / hanggang sa hukay
ang dami boys na sayo masama kung tumingin
isang maling hakbang lamang ay aking sasapakin

dahil si diwata / ay para lang sa akin
aking pagmamahal sayo na di kayang sukatin
at pangako na kailanman ay hindi magwawakas
parang si justin at si jessie kumbaga sa full house

papew
Members
Members


View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


Post new topic   Reply to topic
Permissions of this forum:
You cannot reply to topics in this forum